KALIBO, Aklan – Pinagkaguluhan ng mga divers ang naispatang whale shark o butanding sa karagatang bahagi ng Boracay.

Noong buwan ng Hunyo ng nakaraang taon ay may nakita rin na butanding na labis na ikinatuwa ng karamihan lalo na ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno dahil senyales umano ito ng matagumpay na ginawang paglilinis at rehabilitasyon sa isla.

Dahil papunta umano sa mababaw na bahagi ng tubig ang higanteng isda kaya itinaboy ito ng mga divers pabalik sa mas malalim na bahagi ng karagatan.

Nabatid na isa ang whale sharks sa mga endangered species na pinapangalagaan ng International Union for Conservation of Nature.