Pinagbawalan ng 15 taon na hindi paghawak ng pampublikong posisyon si Venezuelan oppositon leader Juan Guaido.

Ito ang inanunsiyo ni state financial comptroller Elvis Amoroso dahil sa kuwestiyonableng personal financial statements.

Mariing pinabulaanan naman ni Guaido ang alegasyon ni Amoroso at sinabing hindi siya lehitimong auditor general.

Tanging ang lehitimong kongreso lamang ang may karapatan para italaga ang isang auditor general.

Magugunitang idineklara ni Guaido ang kaniyang sarili bilang interim president noong Enero na siyang kinikilala rin ng US at 50 iba pang mga bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here