DAGUPAN CITY – Naging maayos at mapayapa ang resulta ng unang araw ng local campaign period sa probinsya ng Pangasinan.

Ayon mismo kay Police Captain Ria Tacderan, Public Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Office, walang anumang naitala na untoward incidents lalo na sa mga kandidato at mga supporters, maging sa ibang mga kaso tulad ng shooting at stabbing incidents.

Giit nito, lahat ng mga tumatakbong kandidato sa iba’t-ibang posisyon na mayroong nararamdamang banta sa kanilang buhay ay agad nang nakapag-request ng security.

Kaya bukod aniya sa pagsasagawa ng police operations, kanilang sinisiguro na mababantayan ang seguridad ng mga kumakandidato.

Inaasahan nilang maraming aktibidad ang mangyayari sa pag-uumpisa ng lokal na kampanya kung kaya’t napagpasyahan nilang magkaroon ng augmentation force sa mga susunod na araw.