Pansamantalang itinigil ng US Air Force ang paggamit ng kanilang B-1 bombers.

Ito ay matapos na makitaan ng problema sa “droge chute system”.

Dahil dito ay iisa-isahin ng mga eksperto na ayusin ang nakitang problema bago ito tuluyang gamitin muli.

Hindi naman binanggit ng Global Strike Command ng Air Force kung ilang araw o buwan matatapos ang nasabing pagsasaayos.

Aabot s 61 na B-1 bombers ang maaapektuhan ang operasyon.

Ang B-1 bomber ay siyang ginamit ng US sa pagsalakay laban sa Syrian military targets noong 2018.