Muling nagbabala si US President Donald Trump na kaniyang ipapasara ang border nila ng Mexico.

Ito ay dahil sa alegasyon na pinapayagan ng Mexico ang pagpasok ng mga iligal immigrants.

Sinabi ng US President na tila maluwag at pinapabayaan ng Mexico ang pagpasok ng mga iligal migrants.

Inihalimbawa nito ang ginawa ng Honduras, Guatemala at El Salvador na kinuha lamang ang pera ng U.S. pero hindi na gumawa ng hakbang para pagbawalang makapasok ang mga illegal immigrants.

Kinontra naman ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador ang pahayag ni Trump at sinabi niya na gumagawa sila ng kaukulang hakbang para hindi makapasok ang mga iligal immigrants.