KALIBO, Aklan – Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Borcay kasunod ng nangyaring malaking sunog kahapon sa isla ng Boracay.

Napag-alaman na humigit kumulang P22.5 million halaga ng mga nasunog na establisyemento at ari-arian kasunod sa Barangay Balabag sa isla ng Boracay.

Ayon sa BFP-Boracay, nagsimula ang sunog bandang alas-2:00 kahapon at natapos pasado alas-3:00 na tumupok sa nasa 60 establisyemento at kabahayan.

Kaagad na kumalat ang apoy sa nakahanay na mga imprastraktura na nagtitinda ng mga dry goods at iba pang mga commercial establishments dahil pawang gawa lamang ang mga ito sa light materials.

Mas lalo pang lumaki ang apoy dala ng malakas na hangin sa isla.

Naabo din ang ilang mga bahay na nasa likod lamang ng naturang mga establishemento.