Pinapaburan ni Senate President Vicente Sotto III ang pagsiwalat sa publiko ng 31 local na celebrities na sangkot sa iligal na droga.

Sinabi nito na dapat ipa-validate mabuti ang listahan bago ito tuluyang ilabas.

Iginiit nito na mahalaga ang nasabing validation bago ito ilabas sa publiko para hindi masira ang reputasyon ng isang artista.

Bilang dating pangulo rin ng Movie Actors Guild, sang-ayon ito sa pahayag ni PDEA chief Aaron Aquino na magsagawa ang mga malalaking Radio at TV networks ng kanilang surprise drug inspections sa kanilang mga talents.