LEGAZPI CITY — Sinimulan na ng pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon ang mga aktibidad kaugnay ng selebrasyon ng Earth Hour 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Sorsogon Provincial Tourism Officer Bobby Gigantone, sinabi nitong nag-kick off ang aktibidad sa pamamagitan ng ginawang unity o green walk kaninang alas-6:00 ng umaga sa Capitol Park, na sinundan naman ng clean-up drive sa Pinaculan Island sa Sorsogon City.

Ayon kay Gigantone, multi-sectoral effort ang pagdiriwang ng Earth Hour dahil dinadaluhan ito ng mga non-government organizations, youth sector at LGUs.

Maliban dito, mamayang alas-6:30 ng gabi ay magkakaroon ng Zumba at Earth Hour countdown program.

Habang patay naman ang mga ilaw, isasagawa naman ang street at mural painting na susundan din ng mga intermission numbers.

Pagpatak ng alas-9:30, saka naman gagawin ang pledge of commitment ng lahat ng kasali sa aktibidad.