LAOAG CITY – Pinagkakaguluhan sa social media ang nakakalat na larawan ng isang public school teacher sa lalawigan ng Ilocos Norte na umano’y may sex scandal.

Base sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Laoag ang naturang guro ay nagtuturo umano sa isang public elementary school sa probinsya.

Ayon pa sa impormasyon, magmula noong ma-stroke ang kanyang asawa ay iba-iba na umano ang kanyang mga kinakasamang lalaki.

Sinabi ng source na umano’y malakas siya sa Department of Education (DepEd) at Commision on Higher Education (CHED) at kamag-anak raw niya ang isang alkalde kaya hindi siya matanggal sa serbisyo.

Napag-alaman pa mula sa source na nagrerebelde umano ang guro dahil sa nangyari sa kanyang mister.

Halata na nanggaling sa ipinakalat na larawan sa isinagawang video na kung saan ay may dalawa itong partner at na-capture ito at ini-upload sa social media.

Kaugnay ito, sinisikap pa rin ng Bombo Radyo na kunin ang panig ng guro at ng eskuwelahan kung saan siya ay nagtuturo at kung ano ang reaksyon nila hinggil sa naturang mga larawan.