BAGUIO CITY – Ilulunsad ang search for the oldest and biggest pine tree dito sa Baguio City na kilala din bilang City of Pines.

Ayon kay Mayor Mauricio Domogan, buong-buo ang pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa nasabing plano.

Aniya, bahagi ito ang hakbang ng Benguet Provincial Environment and Natural Resources Office at ng Community Environment and Natural Resources Office na may hurisdiksion sa Baguio para mapangalagaan at maprotektahan ang mga natitirang punong kahoy sa lungsod.

Mabibigyan aniya ng insentibo ang mga indibidual na makakatagpo sa biggest at century-old pine tree ng Baguio.

Napag-alaman na anim na entries na ang natanggap ng Benguet Provincial Environment and Natural Resources Office at isasailalim na ang mga ito sa validation.