Binulaga ng mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang terminal ng isang mall sa Pasay City nitong umaga para isailalim sa mandatory drug test ang driver ng mga pampublikong sasakyan.

Kasama ang ilang operatiba ng Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board, sumailalim sa “Oplan Harabas” ang mga tsuper ng jeep, van at tricycle ng naturang terminal, bilang parte ng kampanya ng PDEA kontra illegal drugs.

Matagumpay naman ang naging resulta nito dahil walang nag-positibo sa 30 drivers na sumabak sa drug test.

Habang yung ilan na nag-positive sa initial examination ay dadaan pa raw sa confirmatory test.

Nanawagan ang mga tsuper na bigyan sila ng certification na nagsasabing sila’y negatibo mula sa paggamit ng iligal na droga.