BAGUIO CITY-Isiniwalat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera na nananatili ang presensya ng shabu at marijuana sa Cordillera Administrative Region.

Ayon kay PDEA-Cordillera Regional Director Edgar Apalla, hinihinalang mayroon ginagawang marijuana hashish at marijuana hash oil sa Tinglayan, Kalinga.

Aniya, ang ilang suplay ay nanggagaling naman sa bayan ng Kibungan at Bakun sa Benguet.

Naniniwala ang PDEA na marami pang marijuana plantation sites sa Tinglayan, Kalinga kahit sunod-sunod ang marijuana eradication na isinagawa doon.

Kamakailan lamang ay aabot sa P70.5 million ang halaga ng mga sinirang marijuana sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga.