Pope Francis

Nagpaliwanag na si Pope Francis sa hindi pagpayag niya na halikan ang kaniyang kamay ng mga lumalapit na mananampalataya.

Sinabi ni Vatican spokesman Alessandro Gisotti na ito ay isang “simple question of hygiene” o paraan lamang niya sa kalinisan.

Nababahala kasi ang Santo Papa sa mga germs na posibleng makuha.

Mas nais aniya ng Santo Papa na yakapin ito bilang pagbati.

Nauna rito kumalat sa internet ang video ng Santo Papa na pag-iwas sa kaniyang kamay sa mga mananampalatayang lumalapit sa kaniya at nagtatangkang halikan ito.

Ang papal ring na nakasuot sa ikatlong daliri sa kanang kamay ng Santo Papa ay isang simbolo ng pagiging makapangyarihan nito.

Ang paghalik sa kamay ng Santo Papa ay isang lumang kaugalian na noon pang nakaraang mahigit 100 taon.