Mas paiigtingin pa ng PNP ang operasyon laban sa vote-buying at gun ban violation.

Kasunod ito ng pagsisimula na ng local election campaign ngayong araw.

Sinabi ni National Capital Regional Police Office Director Major General Guillermo Eleazar, na mas mainit ang local campaign kumpara sa national election campaign.

Tiniyak ni Eleazar na mas dadagdagan pa nila ang pagsasagawa ng checkpoints sa buong kamaynilaan.

Hindi rin sila magdadalawang isip na kanilang aarestuhin ang mga kandidato na bibili ng boto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here