Nag-uwi ng gintong medalya ang pambato ng Pilipinas sa 81st Singapore Open Track and Field Championship.

Binubuo nina Eric Cray, Clinton Bautista, Jomar Udtohan at Anfernee Lopena ang koponan ng bansa.

Tinalo nila nila ang Hong Kong kung saan nagtala sila ng 39.72 seconds kumpara sa 40.05 habang pumangatlo ang Indonesia na nagtala ng 40.26 seconds.

Ito na ang pangalawang gintong medalya ng bansa na ang una ay nakuha ni Kristna Knott sa 200m noong Huwebes.

Nakakuha rin ng mga medalya sa iba’t-ibang individual na laro.

Nakakuha ng silver medal si Udtohan sa 400 m habang bronze medal naman ang naiuwi ni Lopena sa 100 m dash.
Naging pang-walo naman sa Cray sa century dash.

Nakapag-uwi naman ng silver medal si Daniella Daynata sa women’s discus throw habang ang beteranang si Maristella Torres Sunang ay nakakuha ng bronze sa women’s long jump.

Sa kabuuan ay nag-uwi ng dalawan gold, limang silver at apat na bronze.