Halos 15 katao ang patay sa pagsabog ng isang kotse malapit sa mga hotels at restaurants sa Mogadishu, Somalia.

Ang pagsabog na ito na naganap sa Maka Akl-Mukarama ay naging dahilan ng pagkasira ng mga kalapit na gusali pati na rin pagbigat na trapiko.

Ayon sa isang witness, nakakita ito ng 18 katawan na hinihinalang biktima sa nasabing pagsabog.

Hanggang ngayon ay wala pa ring umaako sa naganap na pagsabog.

Naging regular na target na ang MOgadishy ng al-Shabab, isang al-Qaeda affiliated group na matagal ng kumakalaban sa gobyerno.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa tunay na may sala sa aksidente.