Hinimok ng isang environmental organization ang publiko na ituloy ang mga hakbang sa pangangalaga ng kalikasan magtapos man ang programa sa selebrasyon sa Earth Hour.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni World Wildlife Fund for Nature (WWF) Philippines unit head for Communication and Media Dan Faustin Ramirez na hindi lang nagtatapos sa pagpatay ng ilaw sa loob ng isang oras ang responsibilidad ng bawat isa para sa kalikasan.

Bukod sa konsumong natitipid nito sa kuryente, ani Ramirez, nakatutulong din daw ito para sa mas epektibong reserba ng renewable energy.

Bukod sa kanilang kampanya para sa pagtitipid ng enerhiya, ipinunto rin ng opisyal ang kanilang adbokasiya kontra sa paggamit ng plastic.

Ito ay sa pamamagitan ng “No Plastic Initiative” at #AyokoNgPlastic movement.