Pinapaburan ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde ang pagpapalabas ng mga pangalan ng mga artista na sangkot sa iligal na droga.

Ayon kay Albayalde na magiging patas ito sa mga pulitikong sangkot sa droga na pinangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw naman nito tanging ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Department of Interior and Local Government (DILG) at office of the President ang maglalabas ng nasabing listahan.

Nauna rito ibinulgar ni PDEA director general Aaron Aquino na mayroong 31 local celebrities kabilang na ang 11 actress ang nasa kanilang watchlist.