CAGAYAN DE ORO CITY – Umapela si Police Captain Mario Mantalla, hepe ng Crime Against Persons and Property Desk, ng tulong sa publiko sa pagtunton sa mga miyembro ng Bingkol Palubon Robbery Group.

Nauna nang nahuli ng mga otoridad ang isa sa mga miyembro ng nasabing grupo na si Roosevelt Bedro.

Ang Bingkol Palubon Robbery Group ang tinuturong responsable sa magkakasunod na pang-hoholdap sa kilalang courier company sa Cagayan de Oro City at maging sa Caraga region.