Pumanaw na ang miyembro ng bandang True Faith na si Ferdie Marquez.

Ito mismo ang kinumpirma ng kanilang lead vocalist na si Medwin Marfil sa Facebook page ng kanilang banda.

Sa nasabing post ay mababasa ang labis na pagkalungkot ni Marfil sa pagpanaw ni Marquez.

Hindi naman na nagbigay pa ng anumang impormasyon ang banda sa pagpanaw ng kanilang original member.

Kuwento pa ni Marfil na kasama niya si Marquez na bumuo ng banda noong 1992.

Ilan sa mga pinasikat na kanta ng banda ay ang “Huwag na Lang Kaya”, “Muntik ng Maabot ang Langit” at maraming iba pa.