Tiniyak ni Miss Universe Organization President Paula Shugart na isasama ang musika sa mga plano ni Catriona Magnayon Gray sa siyam na buwan pang reign bilang Miss Universe.

Nabatid na bago pa man tanghalin bilang 2018 Miss Universe, inilabas na ng 25-year-old Fil-Australian beauty ang awiting “We’re In This Together” upang makalikom ng pondo para sa kanyang sinusuportahang youth organization.

Dahil dito, hanga umano si Shugart sa passion ni Gray sa musika na nagsisilbi rin nitong instrumento para tulungan ang ibang tao sa kakaibang paraan.

“Music is her (Cat) passion and to be able to take that passion and use that as a tool to help other people is something that makes her thrive,” ani Shugart sa isang panayam.

Gayunman, aminado ang Miss Universe president na mas magiging abala pa ang schedule of activities ng Pinay titleholder sa mga susunod na araw.