BACOLOD CITY – Patay si Councilor Jolomar Hilario ng Moises Padilla, Negros Occidental, matapos pinasok ng mga armadong lalaki sa kanilang bahay at binaril.

Bandang alas-6:00 kaninang umaga nang sumugod ang mga suspek sa bahay ng konsehal sa Barangay Inolingan at siya ay pinatay.

Hindi na nakapasok sa lugar ang rescue team dahil may blocking force ang mga suspek.

May inilagay din umanong landmine sa paligid ng bahay ng Sangguniang Bayan member kaya’t hindi agad nakaresponde ang mga pulis.

Ayon sa Moises Padilla Municipal Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon na nagpakilalang New People’s Army ang mga suspek.