Naging madamdamin para kay Dwayne Wade ang kanyang mistulang farewell game laban sa New York Knicks sa makasaysayang Madison Square Garden.

Si Wade na magreretiro na sa pagtatapos ngayong season, ay hinarana pa ng mga fans at paulit ulit na isiniisigaw ang “D-Wade! D-Wade.”

Nagbalik-tanaw din si Wade sa kanyang unang paglalaro sa tanyag na MSG noong kolehiyo pa.

Sa pagpasok niya sa first quarter ay binigyan pa siya ng standing ovation at may video tribute din.

Hindi naman binigo ni Wade ang mga fans nang magtala sya ng 16 points para tulungan ang Heat na manalo laban sa kulelat na Knicks, 100-92.

Nanguna sa opensa ng Miami si Dion Waiters na nagpakita ng 28 points.

Dahil dito, napanatili ng Heat (38-38) ang pagkapit sa huling puwesto na ikawalo para sa NBA playoffs sa Eastern Conference.

Samantala, muling masusubok ang Miami sa big game laban sa Celtics sa Martes.

Haharapin naman ng Knicks (14-62) and Bulls.