Maraming mga pasahero ang na-stranded matapos ang pagtigil sa operasyon ng budget carrier na Wow Air sa Iceland.

Ang nasabing pagsara ng WOW air ay kasunod ng usapin ng pagbili ng kalaban nitong kumpanya na IcelandAir.

Sa inilabas na advisory ng kumpanya na pinapayuhan nila ang mga pasahero na maghanap na lamang ng ibang mga airlines para matuloy ang kanilang biyahe.

Base sa tala ng gobyerno na mayroong mahigit 4,000 na pasahero ang apektado kabilang na ang 1,300 na kasalukuyang nasa biyahe.

Noong 2018 ang Wow Air ay may mahigit 1,000 empleyado at nakapagdala ng 3.5 million na pasahero.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here