Napilitang hagisan ng tear gas ng mga kapulisan ang mga nagsasagawa kilos protesta na nananawagan ng pagbitiw ni Algerian President Abdel Aziz Bouteflika.

Ayon sa mga kapulisan ginawa lamang nila ito matapos ang pambabato ng mga protesters sa capital na Algiers.

Nauna rito nanawagan si Lt. Gen. Ahmed Gaed Salah ng pagbitiw sa puwesto ng pangulo.

Inanunsiyo na rin noong nakaraang mga linggo ni President Bouteflika na hindi na ito interesadong tumakbo pa muli.