BAGUIO CITY – Itatampok ang ibat-ibang mga indigenous cuisines o highland delicacies sa kauna-unahang “Mangan Taku: Cordillera Food Fair” na isasagawa dito sa Baguio City sa April 8-14.

Ayon kay Department of Tourism – Cordillera officer-in-charge Jovita Ganongan, mabibigyan ng pagkakataon ang mga gourmets at iba pang food connoisseurs na matikman ang mga katutubong pagkain ng rehiyon.

Ipinagmalaki niya na ang mga traditional cuisine ng Cordilleras ay ipinamana ng mga naunang henerasyon hanggang sa kasalukuyang henerasyon para mapanatili ang mga katutubong kultura sa pagluluto.

Aniya, dadalhin nila sa City of Pines ang ibat-ibang indigenous cuisines mula sa buong rehiyon para sa naiibang gastronomic indulgence ng mga turista at mga local residents.

Sinabi pa niya na dapat alalahanin ng publiko na ang mga pagkain mula sa ibat-ibang lalawigan ng rehiyon ay may espesyal na kinalalagyan as kultura kung saan ito nanggaling at sa naghanda dito.

Dinagdag pa ni Ganongan na sa pamamagitan