(c) Bombo Radyo Kalibo

(Update) KALIBO, Aklan – Nakatawid na sa Boracay ang undefeated American boxer na si Floyd Mayweather Jr.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Kalibo, dakong alas-12:05 kaninang tanghali nang lumapag sa Caticlan Airport ang private plane ni Mayweather kung saan agad naman itong bumaba kasama ang kaibigang negosyante na si Lester Codog.

Kaugnay nito, mahigpit ang seguridad na inilatag ng Aklan Police Provincial Office, Maritime Police, at Philippine Coast Guard-Caticlan, upang matiyak ang kaligtasan ng American boxer.

Samantala, hindi lamang umano iisang accommodation establishment naka-booked si Mayweather para sa kanyang ilang araw na bakasyon sa tanyag na isla.

Nabatid na nakatakda itong bumalik sa Maynila sa Abril 2, at tsaka lilipad pa-Las Vegas kinabukasan.