ILOILO CITY – Lumantad sa Bombo Radyo si Iloilo City Lone District Rep. Jerry Treñas matapos kumalat ang balitang isinailalim ito sa hospital arrest.

Si Treñas ay tumatakbong alkalde kung saan makakatunggali nito ang kanyang bother in law o bilas na si incumbent Iloilo City Mayor Jose Espinosa III at ang maybahay ni the late DOJ Sec. Raul Gonzales na si Dra. Pacita Gonzales.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Treñas, itinaggi nito ang balitang ni-raid ang kanyang bahay at na stoke ito na dahilan umano ng pagsailalim sa kanya sa hospital arrest.

Ayon kay Treñas, ang nasabing balita ay pawang paninira lang ng kanyang bilas na si Espinosa.

Ani Treñas, nasa bahay lang ito at nakikinig sa Bombo Radyo.

Inakusahan din ni Treñas si Espinosa na nag-uutos sa mga armadong kalalakihan na takutin ang mga botante sa pangunguna ng kanyang chief political officer na si retired police Felix Muchada.

Sa ngayon sinisikap pa ng Bombo Radyo na makunan ng pahayag si Mayor Espinosa.