Tatlong araw bago ang Earth Hour 2019, todo hikayat ang World Wide Fund for Nature (WWF)-Philippines na makiisa sa nasabing global event sa pamamagitan ng isang oras na pagpatay ng ilaw.

Tema ng selebrasyon ngayon taon ay “Change the Way We Live” na layunin pa ring imulat ang publiko sa mga isyu ng kalikasan.

Sa isang panayam, inihayag ni WWF-Philippines National Ambassador Rovilson Fernandez na ang pakikiisa ng bansa sa Earth Hour ay may malaking impact para maresolba ang problema sa climate change.

Nilinaw din nito na hindi lang ang matitipid na kuryente sa loob ng 60 minuto ang highlight ng Earth Hour.

“The essence of Earth hour is its symbolic gesture to let people know that if we do things together as one, we can do epic things. It’s all about the bigger picture. It’s all about awareness. Awareness is knowledge, and knowledge is power,” ani Ambassador Fernandez.

Sentro ng Earth Hour ngayong taon ay ang hangaring gumamit ng LED lights at matigil na ang pagtangkilik sa mga single-use plastics kasunod ng pagkilala sa Pilipinas bilang pangatlo umano sa pinakamalaking contributor ng plastic pollution noong 2016.

“Now that we are ushering in the second year of the movement’s new decade, our efforts will still be centered on raising awareness and inspiring action on conserving nature and biodiversity to counter the worsening impacts of climate change,” saad naman ni WWF-Philippines head of climate and energy program and Earth Hour Pilipinas national director Gia Ibay.

Gaganapin ang main switch-off event ng Earth Hour 2019 sa Sabado, March 30, sa Globe Circuit Event Grounds sa Lungsod ng Makati simula alas-5:00 ng hapon pero ang actual one-hour switch-off ay alas-8:30 pa ng gabi.