ILOILO CITY – Patay ang isang mantatabas ng tubosa Iloiloi matapos umanong gulpihin at tagain ng 10-katao sa bayan ng Barotac Viejo.

Kinilala ang nasawi na si Jose Guanzon, 40, residente ng Brgy. La Fortuna.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Maj. Joven Arevalo, hepe ng Barotac Viejo Municipal PNP, na posibleng dahil sa pagtatalo ni Guanzon at isang menor de edad na kapwa mananabas ang motibo ng krimen.
Ito’y matapos mabatid na nagkasagutan ang biktima at 15-anyos na si “Joven,” kung saan una umanong umatake ng pagtaga si Guanzon.
Nakita raw ng mga kasama ng menor de edad ang pangyayari kaya agad umano itong hinabol at pinagtulungan.
Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon sa kaso, habang nagpapagaling sa pagamutan ang binatilyo.=