KALIBO, Aklan – Nagsimula na ang second phase ng rehabilitation effort sa Boracay sa pangunguna ng Inter-agency Task Force.

Sa panayam ng Bombo Radyo Kalibo kay Inter-agency General Manager Natividad Bernandino, mahigpit aniya nilang minomonitor ang trabaho sa isla upang mapanatili ang nakikita nitong pagbabago.

Ayon kay Bernandino, bilang pasasalamat sa magandang kinalabasan ng pag-rehabilitate ng isla, isasagawa ang “Love Boracay” bilang kapalit ng “La Boracay” na isinasagawa tuwing Mayo 1.

Ito ay isang linggong selebrasyon na may temang “Celebrate the rehabilitation of Boracay” na mag-iisang taon na sa darating na Abril 26.

Magkakaroon ng sayawan, kantahan, parasailing at maraming iba pa, maliban na lamang sa pagsasagawa ng party sa front beach.