Binasag na ng young actress na si Loisa Andalio ang ilang araw na pananahimik sa gitna ng isyung siya ang babaeng nasa maeskandalong video na kumalat kamakailan.

Hindi man direktang tinukoy ang nasabing video scandal, inihayag ng 19-year-old actress sa kanyang online post na “Hindi mawawala ang masayahin, makulit at positibong Loisa.”

Noong nakaraang weekend nang mag-trending ang pangalan ni Loisa sa video na may timestamp na July 1, 2018 at label na “Loisa’s Sunday.”

Dito ay makikita ang isang babae na nilalaro ang kanyang dibdib habang nakaharap sa camera.

Gayunman, walang makapagsabi kung authentic ba ito o kamukha lamang niya ang nasa video.