LEGAZPI CITY — Kinumpirma ng Provincial Health Office (PHO) Albay na bumaba na ang kaso ng tigdas sa lalawigan.

Ayon kay assistant provincial health officer Dr. Antonio Ludovice, mula Enero 1 hanggang Marso 27, pumalo na lamang sa 270 ang kaso ng tigdas/

Sa naturang bilang, 251 dito ay suspected case, 14 ang kumpirmadong kaso, at dalawa ang binawian ng buhay.

Ayon kay Ludovice, inalis na rin nila ang monitoring sa pantalan at nakatuon na lamang ngayon ang pagbabantay sa mga rural health unit, city health office at pampubliko at pribadong ospital.

Naabot na rin daw kasi noong Pebrero 16 hanggang Marso 16 ang pinaka-peak ng trend kaya pababa na ito sa ngayon.

Gayunman, nananatiling may pinakamaraming naitalang measles cases sa Legazpi City, sunod ang Pio Duran, Tabaco City, Bacacay at Ligao City.