BAGUIO CITY-Kinilala ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang matagumpay na operasyon at kampanya ng Police Regional Office-Cordillera (PROCOR) laban sa mga loose firearms.

Kinilala din ng opisyal ang pagpapanatili sa peace and security sa Rehiyon Cordillera mula nang mag-umpisa ang election period noong Enero 13.

Batay sa datus ng PROCOR, aabot sa 167 na iligal na baril ang nakumpiska sa iba’t-ibang operasyon sa rehiyon.

Kasabay ng pagbisita ni Albayalde sa rehiyon ay tiniyak nito ang paggawa ng pulisya sa kanilang mandato para sa peace and security sa darating na halalan.