“Willing to wait” ang aktor na si Jason Abalos para sa pinaplanong kasal sa beauty queen girlfriend na si Vickie Rushton kasabay ng second stint nito ngayong taon sa Binibining Pilipinas.

Ayon sa 34-year-old actor, siya mismo ang nagpayo kay Rushton na mag-focus sa kompetisyon at ibuhos lahat sa pagkakataong ito ang posibleng hindi naibigay sa pagiging first runner-up noong nakaraang taon.

“Kahit kung aabot kami ng 3-5 years (bago ikasal) dahil mananalo siya nang mananalo, why not,” ani Abalos.

Una nang naiulat na target ng 26-year-old beauty mula Bacolod ang maging kinatawan ng bansa sa Miss Universe, na noong nakaraang taon ay nasungkit ni Catriona Magnayon Gray at napagwagian mismo ang Miss Universe crown.