Hindi pa handa na makipagbati sa ngayon si incumbent San Juan Vice Mayor Janella Ejercito Estrada sa pamilya Zamora.

Ito ay kahit pa sinabi ng kanyang lola na si incumbent Mayor Guia Gomez na pagkatapos ng 2019 midterm elections ay bukas siyang makipagkaibigan muli sa mga Zamora.

Pero dahil dinaramdam pa rin daw ni Estrada ang mga alegasyon na wala naman katotohanan na ibinabato sa kanya ng mga Zamora ay malabong makipag-ayos siya sa mga ito sa lalong madaling panahon.

Katunggali ngayon ni Estrada sa halalan ang anak ni San Juan Rep. Ronny Zamora na si Francis.

Ang nakababatang Zamora rin ang kumuwestiyon sa pagkakapanalo ni Gomez bilang alkalde ng lungsod noong 2016.