Naging matipid lamang sa pagbibigay ng detalye ang aktor na si Jake Cuenca kaugnay sa kasalukuyang estado ng kanyang love life.

Ito’y kasabay ng pag-amin ng 31-year-old actor na nasa “dating status” uli ito na makikita naman daw ng publiko sa kanyang online posts.

Hindi direktang binanggit ni Jake ang pangalan ng babae, ngunit tanging ang Pinay Miss International na si Kylie Verzosa ang madalas na kasama nito sa kanyang mga ipino-post.

“I don’t want to say too much. But yeah, (I’m) happy,” ani Cuenca.

Noong 2016 nang maibigay ni Verzosa sa bansa ang pang-anim na Miss International crown, at kinalaunan ay pinasok ang mundo ng showbiz.