Nanawagan ang ilang opisyal ng simbahan sa mga local candidates na bigyang respeto ang misa.

Kasunod ito ng pagsisimula kahapon ng kampanya ng mga local candidates sa bansa sa darating na May 13 elections.

Sinabi ni Father Jerome Secillano ng Nuestra Señora del Perpetuo Socorro Parish in Sampaloc, Manila, na dapat alam ng mga lokal na kandidato ang kahalagahan ng misa.

Iwasan din aniya dapat ng kanilang mga supporters na mag-ingay habang nasa paligid ng simbahan lalo na kapag kasalukuyang isinasagawa ang misa.

Kapag magsimba aniya ang mga kandidato ay dapat ipakita nila ang pagiging seryoso at hindi lamang ang pagpapakitang tao.