BAGUIO CITY-Nakibahagi sa kauna-unahang “Buntis Congress” sa lalawigan ng Benguet ang mahigit sa 80 buntis.

Pinangunahan ng Provincial Health Office (PHO) ng Benguet at Philippine Obstetrics and Gynecological Society ang “Buntis Congress: Buntis Trail”.

Layunin ng aktibidad na igiit sa mga ina ang mga mahahalagang bagay tungkol sa pangangalaga sa kanilang pinagbubuntis.

Naituro sa mga buntis ang tungkol sa tamang nutrisyon sa pagbubuntis, family planning at ang kahalagahan ng pagiging miyembro ng PhilHealth.