BAGUIO CITY-Nakahanda na ang mga kasapi ng Philippine National Police na ipapakalat sa iba’t-ibang lalawigan sa Cordillera Administrative Region para magbantay sa mga polling centers sa halalan.

Ayon sa Police Regional Office Cordillera (PROCOR), aabot sa 1,369 na polling centers sa rehiyon ang babantayan ng 6,431 na pulis.

Babantayan ng mga kinatawan ng batas 262 na polling centers sa Abra, 197 sa Kalinga, 123 sa Apayao , 205 sa Ifugao, 332 sa Benguet at 59 sa Baguio City.

Pangunahing tututukan ng mga pulis ang peace and secuity sa mga polling centers at titiyakin ng mga ito ang maayos na komunikasyon at koordinasyon sa 2019 midterm elections.