Alain Robert

Nagpakitang gilas muli ang tinaguriang “French Spiderman” na si Alain Robert matapos akyatin ang 607 feet na skyscraper sa Paris.

Walang anumang suot na safety gear ang 56-anyos na si Robert at matapang na inakyat ang nasabing gusali na matatagpuan sa La Defense business district.

Isinagawa nito ang pag-akyat para makalikom ng pondo sa 12th century Notre-Dame cathedral.

Umabot na sa mahigit 100 istraktura ang naakyat ni Roberts kabilang na ang Golden Gate Bridge sa San Francisco at Burj al Khalifa sa Dubai.

Nangangalap kasi ang Archbishop ng Paris ng 100 million euros para mailigtas ang Notre-Dame crumbling gargoyles at gothic arches.