Masaya pa rin ang Filipino-American na si Maureen Montagne, kahit nabigo itong makuha ang target na back-to-back victory para sa Pilipinas sa Miss Eco International beaty pageant.

Ayon kay Maureen, masaya siya sa naabot bilang first runner up.

“No matter what happens I will leave Egypt full of love, light, and new found purpose,” wika ni Maureen.

Idinaos ang coronation sa Egypt nitong Sabado lamang.

Sa kabila nito, marami naman ang nanghihinayang dahil isang Pinay na tubong Southern Leyte na si Cynthia Thomalla ang nanalo ng korona sa Miss Eco International noong 2018.

Nasungkit ni Suheyn Cipriani ng Peru ang titulo, habang second runner-up ang Miss USA , kasunod sina Miss Ukraine at Miss Malaysia.