Todo paghahanda na ang iba’t ibang bansa para sa gaganapin na Earth Hour ngayong sabado 8:30 ng gabi kung saan inaanyayahan ang lahat na makiisa na patayin ang mga ilaw sa loob ng isang oras.

Muling masisilayan ng mundo ang sabay sabay na pagpatay ng ilaw sa mga sikat na tourist destinations tulad ng Sydney Opera House sa Australia, Eiffel Tower sa Paris, Big Ben sa London at pati na rin ang Empire State Building sa New York.

Nagpahayag na rin ng pagkabahala si Secretary-General of the United Nations Antonio Guterres patungkol sa mabagal na paglutas sa problemang ito.

Kung kaya’t nanawagan ito sa mga political leaders na magkaroon ng konkreto at realistic na plano para sa isang sustainable path sa mga susunod na taon.

Layunin ng Earth Hour ang hikayatin ang bawat isa na bawasan ang energy consumption at palawigin ang kamalayan ng lahat sa unti-unting pagkasira ng mundo.