KALIBO, Aklan – Binigyan ng isang buwang ultimatum ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group ang nasa 28 establishment na makikita sa Bolabog Beach sa isla ng Boracay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Kalibo, sinabi ni Inter-agency General Manager Natividad Bernandino na hindi pa rin na-demolish ng mga may-ari ang istrakturang nakapasok sa required 25-plus-five road and coastal easements.

Aniya, nakailang ulit ng abiso ang pamahalaan sa kanila ngunit patuloy ang pagmamatigas ng mga ito.

Samantala, 22 establishments naman sa front beach ang natuklasang patuloy na nag-o-operate na walang kaukulang permits and clearances.

Sakali aniya na hindi pa rin ma-comply ng mga business owners ang mga kaukulang requirements ay bibigyan ang mga ito ng closure order.