Ipinagmalaki ng Commission on Election (COMELEC) na mayroong dalawang rehiyon lamang sa bansa ang hindi pa natatapos ang printing ng kanilang mga balota para sa May 13 elections.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, na mayroon ng 50 milyong balota sa kabuuang 63 milyong balota ang natapos ng nailimbag ng National Printing Office (NPO).

Ang mga balota na gagamitin sa Metro Manila at isang rehiyon ang hindi pa natatapos at ito ay inaasahang matapos hanggang sa susunod na linggo.

Magsisimula na rin ang Comelec na ipadala sa mga rehiyon ang mga balota at ilang election paraphernalia.

Umaasa sila na maabot nila ang target date na Abril 25 sa pag-imprinta at pagpapadala ng mga balota na gagamitin sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.