BAGUIO CITY-Pinapabilis na ng Baguio City Police Office (BCPO) at Philippine Drug Enforcement Agency ang paglilinis sa mga natitirang drug affected barangay sa Baguio City.

Batay sa listahan ng BCPO, 19 na barangay sa lunsod ang naibalik bilang drug re-affected barangay.

Sa ngayon ay isinasailalim sa drug clearing ang Barangay Middle Quirino Hill, Pinget, Aurora Hill Proper, Irisan at Bakakeng Central sa pamamagitan ng Barangay Anti-drug Abuse Council (BADAC).

Kaugnay nito ay hinihiling ng BCPO at PDEA ang pakikipagtulungan ng publiko para mas mabilis na malinisan mula sa iligal na droga ang mga naturang barangay.