Mistulang nakahinga nang maluwag ang Brooklyn Nets sa kanilang pagbabalik sa homecourt upang ma-upset ang Boston Celtics, 110-96.

Bago ito ay nameligro sa playoffs seedings ang Nets nang malasin sa kanilang road games.

Sa pagkakataong ito, hindi nila pinahiya ang mga fans nang pangunahan ni D’Angelo Russell ang paglampaso sa Celtics.

Uminit ng husto si Russell sa third quarter na nagbuslo ng 20 points mula sa kabuuang 29 points.

Minalas pa ang Boston dahil sa hindi paglalaro nina Kyrie Irving at Al Horford.

Si Gordon Hayward ay tumipon ng 19 points para sa Celtics na merong 45-33 win-loss ngayong season.

Ang Boston ay tiyak na ang pagpasok sa playoffs na kasalukuyang pang-apat, samantalang ang Brooklyn ay delikado pa sa pangpitong ranggo.

Sa Martes ay haharapin ng Celtics ang Miami.

Host naman ang Nets sa banggaan nila ng Bucks.