"Missing the beach and missing home 🇵🇭💛."

Idinaan ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang mensaheng pagkamis muli sa home county sa pamamagitan ng larawan nito habang nasa beach.

Nabatid na isang buwan na mula nang ganapin ang dalawang linggong homecoming events ng 25-year-old Fil-Australian beauty sa Pilipinas.

Matapos nito ay dumiretso si Cat sa Indonesia upang pangunahan ang national pageant doon na katumbas umano ng Binibining Pilipinas.

Nag-courtesy call din ang Pinay Miss Universe kay Indonesian President Joko Widodo, bago bumalik sa Miss Universe headquarters sa New York.

Samantala, inaasahang babalik sa bansa ang beauty queen mula Bicol para sa Binibining Pilipinas coronation na gaganapin sa darating na Hunyo.