COMELEC spokesman Dir. James Jimenez

Aminado ang Commission on Elections (Comelec) na posibleng makaapekto sa pagbangon ng mga apektado ng El Niño ang pagsisimula ng campaign period para sa mga lokal na kandidato ng midterm elections.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, hindi maaaring maglabas ng pondo ang mga lokal na pamahalaan sa pagitan ng mga araw na sakop ng campaign period.

Nauna ng sinabi ni NDRRMC executive direcor Ricardo Jalad na nahihirapan din silang abutan ng tulong ang affected farmers dahil kailangan muna ng approval mula sa Comelec ang paglalabas ng pera ng local government units (LGU).

Ani Jalad may mga naka-standby na calamity fund ang LGUs, gayundi na maaari itong gamitin ng national government kung kailangan.

Pero ani Jimenez, posibleng ideklara bilang vote buying ang pag-abot ng financial assistance ng lokal officials, lalo na yung mga incumbent sa apektadong mga magsasaka.