Muli na namang binasura ng mga members of parilament sa United Kingdom ang isinusulong na European Union withdrawal ni Prime Minister Theresa May.

Ito na ang pangatlong beses na nabigo si May kung saan sa mayroon lamang 286 ang sumuporta habang 344 ang kumontra.

Nangangahulugan na sa nabanggit na botohan ay aalis UK ng walang kasunduan sa EU sa darating na Abril 12 dahil wala na silang panahon para bumalangkas pa ng panibagong batas.

Nanawagan naman si labour leader Jeremy Corbyn ng pagbibitiw ni May at bagong halalan.

Sinabi naman ni European Council President Donald Tusk na kaniyang pupulungin ang European Council sa Abril 10.

Sa nasabing resulta ay nangangahulugan ng nakaligtaan ng UK ang deadline ng EU para makakuha ng extension ng Brexit process at aalis sila na may kasunduan sa Mayo 22.

Mayroon na si May ng hanggang Abril 12 para mas mahabang extension sa negotiation process para maiwasan ang no-deal Brexit.

Tiniyak naman ni May na hahanap sila ng alternatibong paraan para muling manatili ang Brexit plan niya.